Tuesday, January 4, 2011

Mga Karaniwang Tanong Ukol sa Abortion: Isang Q&A

1. Ano pa po ba ang ibang reasons kung bakit naiisip or nai-co-consider ng ilang kababaihan ang abortion?

Ang abortion o pagpapalaglag ay pinagiisipan o ginagawa kapag nabuntis ang isang babae. Maaaring ang babae mismo, ang kanyang magulang, o ang kanyang asawa o boyfriend ang may gusto ng abortion. ANg mga karaniwang dahilan ay
1)kapag ang pagdadalantao ay magiging malaking balakid sa pag-aaral o trabaho. Madedelay ang paggraduate o matatanggal sa trabaho
2) ang bata ay magiging isang napakalaking financial burden na panghabangbuhay .
3)matinding hiya sa pamilya o sa babae.
4)kung may abnormality o sakit ang bata, katulad ng Down syndrome, lalo na sa ibang bansa.
5)minsan, ito na ang ginagawang birth control ng iilang babae

2. Meron po ba talagang “justified” na abortion, e.g. rape victim at ang perpetrator ay sariling ama? Sa mga ganitong situation, ano ang maaaring gawin?

Bago natin sagutin kung mayroong justified na abortion, alamin natin kung kailan nag-uumpisa ang buhay ng isang tao.Ayon sa medisina at sa agham, ang Buhay ng isang tao ay nagsisimula sa moment ng conception o kung kailan nagme-meet ang egg at sperm. Sa sandaling iyon, may isang bagong buhay na nagsisimula. Lahat tayong nabubuhay sa mundo, ganoon nagsimula ang buhay. Kung ang buhay ay nagsisimula sa conception, e di ang pagkikil o pagtigil ng buhay ng isang bata pagkatapos ng conception ay pagpatay ng isang tao.

Justified ba ang pagpatay ng isang tao dahil pahirap siya at magdadala siya ng matinding kahihiyan? Hindi po, diba? Sa mga cases katulad ng rape, hindi po kasalanan ng bata na siya’y nabuo, kaya hindi dapat siya ang parusahan sa pangyayari. Mahirap ang sitwasyon ng babae pero hindi pagpatay ng inosenteng bata ang solusyon. Bigyan natin ang babae ng ibang options katulad ng adoption after birth.

May kilala akong babaeng katulong na nirape ng kanyang amo, ngunit hindi niya pina-abort ang kanyang baby. Kahit ang perpetrator ay ang sariling ama ng isang babae, ganoon din. Hindi dapat parusahan ang inosenteng bata sa krimen ng ama. Hindi dapat abortion ang ibigay na solusyon sa isang mahirap na sitwasyon. Kailanman, hindi justified ang pagpatay ng tao para maging solusyon sa isang matinding problema. Puwede ding ibigay ang option na ipa-adopt ang bata.

May mga kilala akong teenager, siya ay produkto ng pagrape sa kanyang ina. Bagamat nahirapan ang kanyang ina dahil sa pangyayari, ang kanyang tiyahin ang nag-adopt sa kanya at minahal siya na parang sariling anak. Nag-aaral siya ngayon at nagsisilbi sa Panginoon. Mayroon siyang magandang kinabukasan ngayon. Dapat ba siyang pinatay? Hindi po diba?

3. What does abortion do to a woman inside? Ano po ba ang epekto ng abortion sa isang babae, lalo na kung siya ay bata pa? Paano po yung mga determined at decided na magpa-abort para lamang hindi masira ang kanilang career at sinasabing masaya sila sa kanilang decision?

May emotional at physical na epekto ang pagpapalaglag. sa emotional, nagdadala ang abortion ng matinding emotional burden. Dahil ito sa guilt. Bakit may guilt? Dahil alam ng babae na pumatay siya ng anak niya. Karaniwang ginagawang pang-alis o pambawas ng “guilt” ay ang pagsabi na “dugo lang” ang isang bata. Ito ay isang pagkukumbinsi lang sa sarili, na hindi tao ang kanyang pinatay, pero “dugo lang” na tinanggal. Ngunit hindi dugo lang ang bata. Isa siyang taong nilikha ng Diyos. Matindi ang guilt sa abortion dahil alam ng ina na nawalan ng buhay ang isang bata. Bakit hindi tayo naguiguilty pag nagpapaalis ng nunal, apdo o appendix? Dahil ang mga ito ay bahagi lamang ng ating katawan. Subalit ang baby sa sinapupunan ay tao, iba sa sarili nating katawan. Ang guilt na dala ng abortion ay nakapagdadala ng mas matinding epekto, gaya ng psychiatric problems, depression and suicide, anger and aggression.

Sa physical na epekto, siyempre, ang pag-iinom ng pang-abort ay puwedeng magdala ng matinding bleeding sa matris na puwedeng ikamatay, ,at life-threatening infection ng dugo, o septicemia. Ang pagsasailalim sa abortion ay puwedeng magdala ng komplikasyon katulad ng pagkabutas ng matris, o pagnipis ng matris, at infertility. Hindi kasi natural ang abortion. Ang natural na proseso ay ang maipanganak ang bata.

Sa mga determined at decided na mag-abort, maco-counselan natin sila , pero tanging ang Diyos ang puwedeng mangusap sa kanilang mga puso. Kailangang gamitin natin ang walang kapantay na weapon laban sa abortion, ang weapon of prayer. Puwedeng mangusap ang Lord sa puso ng babae, sa parents, o sa asawa. May nagkuwento sa akin, pinipilit siyang painumin ng asawa niya ng pampalaglag, isinusubo na sa kanya ang gamot. Idinura niya ang gamot at tinapon. Noong lumabas ang asawa niya sa bahay para bumili pa ng gamot, naaksidente ang sasakyan ng asawa.Napaiyak ang asawa at nagbago ang isip. Parang naging senyales mula sa Panginoon ang aksidente.

4. Aside from saying that abortion is murder, paano pa ba pwedeng i-convince ang isang tao na huwag na magpa-abort? How can we give hope to those who are victims? At kung mga career women naman sila, paano natin sila mapipigilan sa kanilang decision?

Maraming ways to convince or counsel a woman na hindi magpa-abort.
Para sa akin, ang isang magandang pang-convince sa isang babae na huwag magpa-abort ay ang pagpapaunawa sa kanya na hindi dugo lamang ngunit sanggol na buhay, may tumitibok na puso, katawan, kamay, paa, ang kanyang pinagbubuntis. Tulungan ang babae na mahalin ang kanyang anak, bigyan siya ng sense of purpose and destiny. Tulungan siya ng isipin din ang purpose at destiny ng kanyang sanggol.

Dito makatutulong ang pagpakita ng fetal models . Puwede rin magpakita ng intrauterine photographs o mga litrato ng bata sa loob ng sinapupunan. Kung may ultrasound machine, mas maganda, at 7 to 8 weeks may heartbeat na ang baby na nakikita sa ultrasound. Ang ultrasound image ay nakakapag-iba ng damdamin ng ina.

Pangalawa, ang pagbigay ng maraming option sa babaeng buntis, na hindi kasama ang abortion sa options. Kung ayaw niyang alagaan at palakihin ang bata, ipa-adopt na lang ang bata. Kung pinalayas siya ng magulang niya, hanapan siya ng tirahan. Puwede ring tulungan ang babae na makipag-usap sa magulang para lumawak ang pag-unawa nila sa anak nila. May mga homes for pregnant women tulad ng Nor-Fil foundation na puwedeng pagreferan. Bigyan natin sila ng pag-asa sa oras ng kagipitan.

Kung career women, ganoon din ang pag-advise. Kung magkakaroon ang babae ng sense of purpose para sa kanyang anak, at makakadevelop siya ng pagmamahal sa kanyang sanggol, whether or not career woman siya, haharapin niya ang lahat dahil sa pagmamahal sa kanyang sanggol.

Kung naaalangan kang magcounsel puwede ring irefer ang babae sa mga counselors ng Pro-life Philippines, isang pro-life organization na may cellphone hotline at landlines para sa counselling ng mga buntis na nababagabag.

5. Ano ang maaaring gawin ng mga magulang kung malalaman nilang ang kanilang anak ay nagdadalantao?

Madalas nakikita natin sa pelikula o sa telenovela ang babaeng naduduwal sa may kusina, tapos nakita siya ng kanyang ama at ina, tapos sisigawan ang babae, papagalitan at sasampalin. Maaaring sa totoong buhay hindi ganito ka-dramatic ang eksena pero ang puwedeng mangyari ay mabisto ang anak o aaminin ng anak ang pagbubuntis sa mga magulang. Either way mahirap na balita ito sa isang magulang. Ang importante ay mag-isip nang malinaw ang magulang.

Una, tanggapin ang balita nang mahinahon. Huwag magpadalos-dalos sa salita. Ang pagpapalayas o pag-disown ng anak ay nagdadala ng matinding sama ng loob sa lahat.

Pangalawa, isipin na napakahirap para sa anak mo ang aminin na siya ay buntis. Inaasaahan niya ang iyong pag-iintindi at pagmamahal. Sa oras na ito, kailangan nila ng mercy, hindi judgment.

Pangatlo, hindi palaging solusyon ang pagpapakasal. Huwag mamilit na ikasal ang anak.

Pang-apat, huwag mong gawing option na ipa-abort ang apo mo dahil sa kahihiyan. Minsan masyado nating iniisip ang sasabihin ng iba. Huwag nang isipin ang sasabihin ng iba. Mas mabuti nang pag-usapan ka kaysa pumatay ka o naging taga-udyok ka sa pagpatay ng inosenteng batang walang kasalanan. Kahit ano pa ang posisyon mo, o gaano ka man kasikat o kilala, hindi ito mas importante sa anak mo o sa buhay ng apo mo.

6. Finally, ano po ang maaaring gawin ng mga magulang para maiwasan na rin ang unwanted pregnancy, and therefore maiwasan na rin ang abortion sa mga kabataan?

Ang maaaring gawin ng magulang ay i-educate ang anak nila ukol sa moral sexual relations at ang mga consequences ng immoral sexual relations, ayon sa Salita ng Diyos. Turuan din ang inyong anak tungkol sa pagbubuntis at sa katauhan ng sanggol sa sinapupunan. Ang pagbubuntis kasi ay hindi kasalanan. Ang pagkakasala ay ang sexual relations outside of marriage. Ang pagbubuntis ay isang natural consequence ng sexual act, whether or not married ang isang tao. Ang sanggol ay walang kasalanan, at hindi siya dapat ang “alisin” o “mawala” sa pamamagitan ng pagpatay o abortion. Turuan ang anak na ang abortion ay hindi option kapag siya ay nabuntis o nakabuntis.

Ang pagsupport o pag-release din sa pagpapakasal ng anak, na nasa tamang gulang, kaysa pagpigil nito ay importante. May magulang na ayaw ipakasal ang anak agad dahil sa demands nila sa anak, kaya ang anak ay nasasabik sa kanyang nobyo o nobya at nauuwi sa premarital sexual relations.

Nandyan din ang disiplina sa mga anak upang maiwasan ang premarital sexual relations: curfew, gabay sa pagpili ng kaibigan, pag-gabay at pag-monitor ng pinapanood na sine, palabas, o video, pag-monitor ng websites na tinitingnan, pag-monitor ng binabasang libro, magasin at komiks. Ang pag-iwas sa alak at droga ay importante ding ituro dahil ang alcohol pag napadami ay nakakaalis na ng sense of judgment at nawawalan na ng inhibitions. Sa droga lalo na.